Julian Estrada breaks silence on assault incident in Boracay

Julian: “We weren’t looking for trouble and we sure as hell didn’t start any.”

Julian Estrada sets the record straight on Boracay incident

Julian Estrada on assault incident in Boracay: “To set the record straight.. there was no fight. It was an unprovoked attack. Jelo and I were already walking away from a peaceful night, heading home, when one of them walked up, said a few words and threw the first punch.”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram / Facebook

Binigyang linaw ni Julian Estrada ang ilang detalye kaugnay ng kinasangkutang pambubugbog sa Boracay noong madaling-araw ng Sabado, May 24, 2025.

Si Julian at ang pinsan niyang si Jefferelly “Jelo” Vitug ay binugbog umano ng tatlong kalalakihang residente ng Boracay.

Pormal na naghain reklamo sina Julian at Jelo laban sa mga suspek.

Si Julian, na dati ring artista, ay anak ni Senator Jinggoy Estrada.

Sa kanyang Instagram Story nitong Linggo ng gabi, May 25, sinabi ni Julian na “unprovoked” ang ginawang pag-atake sa kanila.

Pabalik na raw sila noon ni Jelo sa kanilang accommodation nang biglang pinagsalitaan sila at sinuntok ng isa sa mga suspek.

Pagkatapos nito ay pinagtulungan na raw sila ng tatlong suspek.

Lahad ni Julian: “To set the record straight.. there was no fight. It was an unprovoked attack.

“Jelo and I were already walking away from a peaceful night, heading home, when one of them walked up, said a few words and threw the first punch.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ikinalungkot daw ni Julian ay kahit hindi sila ang nagsimula ng kaguluhan ay sila pa ang sinisisi ng ilang netizens.

Himutok niya: “What followed wasn’t a scuffle, it was a group jumping and yet people online were so quick to say ‘deserved,’ ‘buti nga,’ funny how loud people get when they’re hiding behind screens… twisting a story they weren’t even there for.

“This wasn’t some bar fight. We weren’t looking for trouble and we sure as hell didn’t start any but it’s easier I guess for strangers to believe the version that fits their bias.

“It’s easier to hate than to ask what really happened so before you speak on someone else’s pain, make sure you know the truth because what you say says more about you than it ever will about me.”

Kasunod nito ang pasasalamat niya sa mga taong nagpaabot ng suporta at pagkabahala sa kanila.

“To everyone who checked in, messaged or simply kept it real, thank you. Your support didn’t go unnoticed.

CONTINUE READING BELOW ↓

Julia Montes on Coco Martin’s love: “Sobrang ideal siya as a partner/” | PEP Interviews

“I’m taking time to rest and move forward. That’s all there is to it,” saad ni Julian.

Kalakip ng post ni Julian ang selfie niya kung saan makikita ang pasa at galos sa ibabang bahagi ng kanyang kanang mata.

Julian Estrada's Instagram Story about Boracay incident

THE NEWS ABOUT JULIAN ESTRADA’S INCIDENT

Hapon ng Sabado, March 24, laman ng mga balita ng local radio stations sa Aklan ang tungkol sa diumano’y pagkabugbog sa isang anak ni SenatorJinggoy Estrada.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pinangalanan kung sinong anak ni Estrada ang nabiktima.

Pero sa pagsasaliksik ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), natunton namin ang account ni Julian kung saan nagbahagi siya ng mensahe tungkol sa abiso niyang hindi na siya makadalo sa isang salu-salo sa Epic, isang party place sa isla, dahil kailangan niyang mag-recover.

May pinagdaraanan daw siya, sa sarili niyang mga salita: “both physically and mentally.”

Buong post ni Julian: “To everyone expecting to see me at Epic tonight, I won’t be able to make it.

“Got caught in a really unfortunate situation last night and need time to recover, both physically and mentally appreciate all your understanding and support. See you soon”

Julian Estrada Instagram Story May 24, 2025

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

SENATOR JINGGOY ESTRADA FLIES TO BORACAY

Isa sa mga unang nag-ulat ng balita tungkol sa insidente noong Mayo 24 ay ang Radyo Todo Aklan 88.5 FM.

Naaresto raw ang tatlong suspek ng pambubugbog.

Pawang mga 18-anyos daw ang tatlo.

Ayon sa report, nangyari ito bandang alas dos ng madaling-araw sa D’Mall, isang sikat na pasyalan sa Station 2 ng Boracay.

Nakasaad sa report ng Radyo Todo Aklan 88.5 FM:

“UPDATE: ANAK NI SEN. JINGGOY ESTRADA, BINUGBOG UMANO SA FRONT BEACH SA ISLA NG BORACAY; 3 SUSPEK, ARESTADO

“PINAGSUSUNTOK ng tatlong binata ang anak ni Sen. Jinggoy Estrada at kasama nito sa Station 2 sa isla Boracay bandang alas 2:00 ng madaling araw.

“Batay sa impormasyong nakalap ng Radyo Todo, habang naglalakad ang mga biktima, mula sila sa isang bar patungong D’Mall, nang bigla silang sundan at pinagtulungang suntukin ng tatlong lalaki sa tapat ng isang hotel sa Brgy. Balabag.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Kinilala ang mga suspek na sina James Carl Vargas y Jason, Dwyne David Mecca y Delos Santos, at Khenjie Sarabia y Dumalaog, parehong 18-anyos at residente ng isla ng Boracay.

“Nilapitan umano ng isa sa mga suspek ang isang biktima at biglang sinuntok.

“Nang umawat ang isa pang biktima, itinulak din siya at inundayan ng suntok ng mga kasamahan ng suspek.

“Agad namang rumesponde ang kapulisan sa lugar at naaresto ang mga suspek.

“Isinugod sa ospital ang isa sa mga biktima para sa agarang medikal na atensyon.”

Ayon naman sa ulat ng K5 News FM Kalibo 94.5, dumating daw ang amang senador ng biktima sa Malay PNP Station bandang alas tres ng hapon.

Ayon sa nakasaad sa ulat: “Nasa Malay PNP Station na si Senador Jinggoy Estrada, kung saan kasalukuyang ginaganap ang isang conference kaugnay ng umano’y pambubugbog sa kanyang anak na nagbabakasyon sa isla ng Boracay.”

Kinagabihan, muling naulat ng K5 News FM Kalibo 94.5, nakaalis na raw ng Boracay si Senator Estrada matapos ang conference kasama ng mga kapulisan.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Bago pa man ang balitang nakaalis na ng Boracay si Senator Jinggoy, nakipag-ugnayan na ang PEP.ph sa Malay PNP hotline, 8:08 P.M., pero sinabi ng nakasagot ng telepono na hindi siya awtorisadong magbigay ng anumang detalye.

Ito ay bagamat naiuulat na ang insidente ng local radio stations at wala namang ginagawang pagtanggi ang kapulisan sa report.

SENATOR JINGGOY, WIFE PRECY EJERCITO UPDATE

Kinumpirma naman ni Senator Jinggoy Estrada na anak nga niya at pamangkin ang naiulat na biktima ng pambubugbog sa Boracay.

Ayon sa senador, galing sa bar ang kanyang anak na si Julian at ang kasama nitong si Jelo nang atakihin ang mga ito ng tatlong lalaki na residente ng isla.

Pabalik na umano sa tinutuluyang accommodation ang dalawa nang maganap ang gulo.

Sinabihan daw ng isa sa mga suspek si Jefferelly ng, “Masyado kang maangas.”

Wala raw ebidensya na nagpapakita na nagkaroon ng tensiyon sa bar ang magkabilang grupo, at pinatunayan ito ng CCTV footage ng bar.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Parehong nagtamo ng injuries sina Julian at Jefferelly at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Ayon sa mambabatas, naghabla na sila laban sa tatlong suspek.

Aniya, “Bilang ama at tiyuhin, hindi maiiwasan na labis akong mag-alala nang makarating sa akin ang masamang balita. Kaya’t dali-dali akong pumunta para alamin ang nangyari at kalagayan nila.

“While charges have already been filed against the suspects, I trust that the proper authorities will investigate this case thoroughly and ensure that justice is served.”

Sa huli ay nagpasalamat ang senador dahil ligtas na ang kanyang anak at pamangkin.

“We hope incidents like this serve as a reminder of the need to create a safer environment for everyone.”

Samantala, nagpahayag naman ng pagkadismaya ang ina ni Julian na si Precy Vitug-Ejercito sa sinapit ng anak at pinsan nito.

Base sa Facebook post ni Precy ay nasa Boracay rin ito nang mangyari ang insidente.

“We were in Boracay, hoping for a peaceful, relaxing vacation, but early Saturday morning, they were unexpectedly attacked by three young men who are reportedly connected to public figures,” kuwento ni Precy.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“As a mother and aunt, I feel upset and frustrated. Julian and Jelo are kind, respectful, and humble people — never troublemakers.

“It’s heartbreaking that they were hurt, especially after Julian greeted those young men with a smile.

“They don’t deserve this kind of violence!!!!”