Actor John Estrada hospitalized for undisclosed reasons

Kaila Estrada posts photo of dad John Estrada confined at hospital.

Kaila Estrada shares photo of dad John Estrada at a hospital

Kaila Estrada (left) shares photo of dad John Estrada at hospital with her sister Moira Estrada (right). 

Kasalukuyang naka-confine sa isang ospital ang aktor na si John Estrada.

Sa Instagram kagabi, July 25, 2024, nagbahagi si Kaila Estrada ng larawan kung saan makikita ang ama na nakahiga sa hospital bed.

Nasa tabi nito ang kapatid ni Kaila na si Moira Estrada.

John Estrada Asian Hospital with daughter Moira

Kung susuriing mabuti ang larawan, makikitang may suwero ang kanang kamay ni John.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Makikita rin dito ang isang unan na may nakasulat na “Asian Hospital and Medical Center.”

John Estrada Asian Hospital
Ibinahagi rin ni Moira sa kanyang Instagram Story ang picture na ipinost ni Kaila.

Kaila Estrada Instagram Story

 

JOHN ESTRADA, PRISCILLA MEIRELLES MARITAL PROBLEM

Nitong mga nakaraang linggo, nalagay sa limelight ang pagsasama ni John at ng kanyang misis na si Priscilla Meirelles.

Hinala ng karamihan ng netizens ay hiwalay na ang mag-asawa.

Nag-ugat ito sa post ng aktor habang nagbabakasyon sa Boracay.

Makikita sa post ni John noong July 14, 2024, ang litrato niya habang ipinapakita ang view ng hotel na tinutuluyan.

May caption itong “What an awesome place.”

Sa comments section, may netizen ang pabirong nagtanong kung sino kina Lena (Mercedes Cabral) at Marites (Cherry Pie Picache) ang kasama ni Rigor (karakter ni John) sa FPJ’s Batang Quiapo.

Sa teleserye, si Marites ay asawa ni Rigor, habang kabit naman ni Rigor si Lena.

Ikinagulat ng marami ang pagsagot ni Priscilla.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Imbes na makisakay sa biruan ng netizens, sinabi ni Priscilla na wala kina Lena at Marites ang kasama ni John sa Boracay.

Isang babae nagngangalang “Lily Hallman” ang waring pasarkastikong ihinirit ni Priscilla.

May dagdag na hirit pa si Priscilla na lalong ikinaintriga ng netizens.

Aniya, “Looking very divorced Mr. Estrada.”

Naka-tag muli rito ang IG user na Lily Hallman.

PRISCILLA MEIRELLES FACEBOOK LIVE

Sinundan ni Priscilla ng isang Facebook Live ang maanghang niyang mga komento sa post ng asawa.

Lalo tuloy itong nakadagdag sa kutob ng netizens na may pinagdaraanan ang dalawa.

Lalo pa’t umalis ng bansa si Priscilla nang hindi kasama si John.

July 15, 2024, nag-post si Priscilla sa kanyang Instagram account ng kuha niya sa loob ng eroplano at sa airport kasama ang anak nila ni John.

Caption ni Priscilla, “What’s next?! [Brazil flag at airplane na emoji].”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa hashtag nito ang Brazil at ang lungsod na Manaus sa Brazil.

Nasa hashtag din ang #familyvacay at #vacay2024.

 

 

Kasunod ito ng pagla-live niya sa Facebook para maglabas ng saloobin sa hindi nila pagkakaunawaan ni John.

Inamin ni Priscilla na nagtungo siya sa Brazil para makapag-isip-isip.

Sa gitna ng pagla-live ni Priscilla, may isang netizen na diretsong nagtanong kung may third party sa isyu nilang mag-asawa.

Sabi ng netizen, “Idol, may new na naman ba si John? Grabe naman, napakaganda mo na para maghanap pa ng iba.”

Mabilis naman ditong nag-react si Priscilla, “Ay, ano ba to? Nako po, ganun talaga ang buhay.”

Waring nadulas na hirit niya, “Wala naman, wala, e… wala pa namang divorce sa Pilipinas, di ba?”

Sabay bawi rin niya, “Joke lang, guys. Basta ang gusto kong sabihin is that konting respect lang.”

Hindi binanggit ni Priscilla sa livestream ang pasarkastikong hirit niya sa comments section na may ibang babaeng kasama si John.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Pero mahihinuhang may kinalaman sa problema nilang mag-asawa ang tinutumbuk sa kanyang livestream.

Mabigat ang hirit niyang waring sumagi sa isip niya ang “divorce,” kahit pa sabihing binawi niya rin ito.

Katuwiran naman ni Priscilla, mapagpasensiya at mapagpatawad siya sa taong karapat-dapat bigyan ng second chance.

Ngunit dumarating daw talaga sa puntong masasagad siya.

Sabi niya: “I’m a very patient [person]. I’m very kind. I’m a very forgiving person.

“But until the limit. When I get to my limit, I’m sorry.

“I don’t think I’m the best person for you to fight.

“Because, you know, the nicest people, they turn to be the most dangerous people.

“Because when we give our best and we get to the limit of the abuse of certain people, we know we just throw, we don’t care anymore.”

Idiniin din ni Priscilla na may mga pagkakamaling hindi puwedeng basta na lang palampasin.

Aniya, “I think when you do things, you need to be very careful about the consequences of the things that you do in life.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“We’re all grown-ups, right? We’re grown-up. We’re all adults.

“Everything that you do, there is a consequence. And I refuse to let it pass anything from this point onwards.

“So, that’s basically who I am.”

Mahihinuhang alam ni Priscilla na maaari siyang mapulaan sa pagsisiwalat niya ng pribadong bagay sa kanyang buhay.

Pero nakikita raw niya na ito ang tamang gawin.

Saad ng Brazilian beauty queen, “Sometimes you just want to just to tell, to help with everything, you know…

“I had enough.

“Maybe I’m in my time that I said, I need to say, I had enough. Right?

“I have a voice. I had enough.”

JOHN ESTRADA ISSUES STATEMENT

Kinumpirma naman ni John na may pinagdaraanan sila ng kanyang misis.

Sa pamamagitan ng official statement na ibinahagi niya sa social media noong Hulyo 16, 2024, sinabi ng aktor na medyo may katagalan na mula nang nagkasundo sila ng Brazilian beauty queen “to take a break” sa kanilang pagsasama.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Tugma ito sa ulat ng PEP Troika, base sa salaysay ng isang source, na noong January 2024 pa umano hiwalay sina John at Priscilla.

Ayon pa kay John, may malalim na dahilan ang desisyon nilang ito ni Priscilla, ngunit ang pinakahuling bagay na gugustuhin niya ay saktan ang mga taong mahal niya.

Pinabulaanan naman ng FPJ’s Batang Quiapo actor na may namamagitang relasyon sa kanila ni Lily Hallman o kahit na sa sinong babae.

Nakilala lamang daw niya si Lily habang nagbabaksyon siya sa Boracay.

Sa huling bahagi ng statement ni John, nakiusap siya sa publiko na hayaan silang ayusin nang pribado ang anumang nangyayari sa kanila ni Priscilla dahil isa itong “family matter.”

Narito ang kabuuang pahayag ni John:

“Priscilla and I have mutually agreed to take a break for quite some time now. There’s more to the story but the last thing I want to do is to hurt the people I love.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“I want to make it clear that I am not in a relationship with Lily Hallman or any woman for that matter. I just met her in Boracay.

“I had a short break from work and felt the need for a breather.

“This is a private family matter that’s why I ask for privacy as we deal with this. Thank you!”

PRISCILLA MEIRELLESS CONTRADICTS HUSBAND

Kinontra naman ni Priscilla ang pahayag ng asawang si John na may “mutual agreement” sila kaugnay ng kanilang paghihiwalay.

Ayon dito, labis niyang ikinagulat at nasiraan siya ng loob matapos mabasa ang statement ng aktor.

Narito ang buong pahayag ni Priscilla:

“To clarify, there was never any mutual agreement regarding our separation. We were married when I left the Philippines, and we remain married as of this time.

“While there is indeed more to this story, it is not the appropriate time to delve into those details. Regardless of what those may be, however, it won’t change the course of faith.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“I appreciate your constant support, kindness, and love during this difficult time. I trust that, in due course, all will be resolved appropriately.

“Thank you for your understanding.

“Priscilla Meirelles”

Ngayon, wala pang kasunod na pahayag ang magkabilang kampo tungkol sa pinagdaraanan nilang problema sa kanilang pamilya.