Celebrities who lost in 2025 elections concede defeat
Marco: “Ang serbisyo at malasakit, hindi lang nasusukat sa puwesto…”
Published 22 hours ago
Showbiz personalities (from left) Marco Gumabao, Ejay Falcon, and Jimmy Bondoc are among those who did not get elected in the 2025 midterm elections.
PHOTO/S: Marco Gumabao/Ejay Falcon/Jimmy Bondoc on Instagram
Isang araw makalipas ang May 12, 2025 elections ay lumabas na ang resulta ng mga nagsipagwagi sa iba’t ibang posisyon.
Sa tala ng Comelec (Commission on Elections) ngayong Martes, May 13, nasa 97 percent na ng kabuuang bilang ng mga boto ang kanilang nakukuha mula sa iba’t ibang polling precincts sa bansa.
Kabilang sa nabigo sa kanyang kandidatura ay ang Viva actor na si Marco Gumabao.
Si Marco ay tumakbong congressman sa ika-apat na distrito ng Camarines Sur. Tinalo siya ni incumbent Representative Arnie Fuentebella.
Ngayong Martes, May 13, nag-post si Marco sa kanyang social media account upang magpasalamat sa lahat ng sumuporta at ipahayag na maluwag niyang tinatanggap ang pagkatalo.
Buong post ni Marco (published as is): “Maraming, maraming salamat po.
“Sa bawat nakipagkamay, nakipagkwentuhan, at nagbukas ng puso’t tahanan sa amin nitong nakaraang mga buwan—taos-puso po ang aking pasasalamat.
“Hindi man ito ang resulta na aming hinangad, alam kong ibinigay natin ang lahat, at buong puso tayong lumaban.
“Sa lahat ng bumoto, sumuporta, tumulong, at naniwala—salamat po sa pagtanggap sa amin, sa inyong tiwala, at sa pagmamahal na ipinakita ninyo sa bawat sulok ng Partido.
“Isang malaking tagumpay na kayo ay aming nakilala. Ang dami kong natutunan at nadama, at hinding-hindi ko po makakalimutan ang bawat kwento at pangarap na ibinahagi ninyo sa akin.
“At para sa lahat ng tumulong at naging bahagi ng laban na ito—hindi ito ang katapusan. Nandito lang ako. Hindi ko kayo iiwanan.
“Ang serbisyo at malasakit, hindi lang nasusukat sa puwesto. Magkikita pa rin tayo, at magtutulungan pa rin tayo—dahil ang tunay na laban ay para sa inyo.
“Maraming salamat, Partido.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
EJAY FALCON
Buong puso ring tinanggap ng aktor at Oriental Mindoro vice-governor na si Ejay Falcon ang pagkatalo bilang kongresista sa pangalawang distrito ng kanilang lalawigan.
Dinaig si EJ ng kanyang nakalaban na si PA Umali.
Sa pamamagitan ng Facebook, inihayag ni Ejay na bagamat nabigo siya ay mananatili ang kanyang pagmamahal sa Oriental Mindoro.
Mababasa sa kanyang post: “Nagdesisyon na po ang Oriental Mindoreños, hindi man po pumabor sa inyong lingkod ang naging resulta pero masaya po ako na ibinigay po natin ang lahat ng ating makakaya para ipakita ang malinis nating intensyon na malingkod sa ating lalawigan.
“Iginagalang po natin at mapagkumbabang tinatanggap po ang desisyon na ito ng mamamayan.
“Umasa po kayo na hindi po natatapos ang serbisyo ni Ejay Falcon bilang lingkod bayan. Babalik po tayo bilang pribadong mamamayan pero andun pa rin ang ating pagtulong para sa interes ng ating mamamayan.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Gusto ko rin pong ipaabot kay Congressman Boy PA Umali ang aking pagbati. Congratulations po! Nawa po ang pagkapanalo nyo’y magbigay ng mas maalab na inspirasyon para lalong tulungan hindi lamang po ang mga taong sumuporta sa inyo kundi ang buong mindoreños ng segunda distrito.
“Sa lahat ng aking mga kaibigan, taga suporta, sa mga leaders at sa mga taong hindi natakot o nagdalawang isip na tumulong sa akin, kulang po ang salitang salamat. Di ko po kayo makakalimutan.
“Maraming salamat po sa inyong Tiwala, Suporta at Pagmamahal.
“Muli, maraming salamat po sa inyong lahat. Hindi po dito natatapos ang paglipad ni Ejay Falcon. Tuloy po tayo sa ating mga parangap. Mahal na mahal ko po kayo.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
JIMMY BONDOC
Nabigo namang makapasok sa Magic 12 ng senatorial race ang OPM singer at abogadong si Jimmy Bondoc.
Kasalukuyan siyang nasa 17th spot, base sa pinakahuling tala mula sa Comelec.
Photo/s: Rommel Gonzales
Sa Facebook, nag-post si Jimmy para ihayag na malugod niyang tinatanggap ang resulta ng kanyang senatorial bid.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Saad niya: “Wala pong sapat na salita upang maipakita ko ang aking pasasalamat sa Panginoon at sa taumbayan para sa pagkakataong ito. Diyos ang nagluluklok, at ang Kanyang pasya ay sapat sa akin.
“Ang eleksyon po ay pansamantalang laban. Ngunit ang tuluyang laban ay ang pagtatanggol sa bayan natin mula sa kasamaan. Hindi biro ang ating kinalalagyan, ngunit dahil sa paligsahan ng eleksyon, sandali tayong nalingat sa totoong kalagayan ng bayan.
“Sana, makita nating lahat na hindi na nadadaan sa galit at paninira ang mga problema natin. Ang kailangan natin ay diskurso at pag-iisip. Sana, umangat na ang antas ng pampublikong talakayan ng ating bayan.
“Hindi natin maiiwasan na babalik muli sa bangayan ang usapan. Kaya kung sino man ang nakakarinig at nakakaunawa sa boses na nakapaloob sa mensaheng ito, sana nagkakaisa tayo sa pangako na tayo ay sabay-sabay nang lalayo sa masasamang salita, sa masasamang gawain, at sa padalos-dalos na paghusga.
“Sana, namulat na tayo sa mga taktika ng mga makinarya na pinag-aaway lamang tayo upang makakuha ng libreng datos mula sa pinaiikot na masa. Sana, madama nating muli ang buhay na walang hanggan. Sana, maliwanagan muli tayo sa tunay nating patunguhan.
“Pag-ibig lamang ang kalaban ng kasamaan. Wala na pong iba. Sa daigdig natin na kung saan pahirap nang pahirap magpakita ng pag-ibig, sana manatili kayong matatag sa pagpapalaganap ng pagmamahal, kahit sa mga kalaban. Kay hirap, ngunit yan ang utos. Tandaan rin na ang gantimpala ay wala sa buhay na ito. Kaya’t wag na nating abangan. Magpakabuti na lang tayo, at damhin ang kapayapaan ng kaloobang dulot nito.
“Salamat po sa milyon-milyong nagtiwala. Ang dami nating nagawa sa kakaunting pondo at tao. Sana, ito na nga ang kinabukasan ng politika sa Pilipinas…Sana, gising na nga ang Pilipino, at mas magising pa.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Jimmy Bondoc po, nagpapaalam sa numero diyes, at humihingi sa inyo ng kaunting panahon upang magpahinga’t manalangin. Salamat sa pagmamahal.”
Si Jimmy ay bahagi ng senatorial slate ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Lino Cayetano
Photo/s: Jerry Olea
Ayon kay Lino, kahit natalo ay hindi niya pinagsisisihang sumubok muling pagsilbihan ang kanyang mga kababayan.
Ginawa raw niya ang lahat ng makakaya para ihatid sa kanyang mga kababayan ang buong-pusong malasakit at pagmamahal sa mga ito.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Mensahe niya sa Facebook: “Sa mga kababayan ko sa Taguig at Pateros. Una sa lahat, taos-puso po akong nagpapasalamat sa bawat isa sa inyo—sa mga nagtiwala, sumuporta, at lumaban hanggang dulo. Maraming salamat po sa inyong pagmamahal at paninindigan. Hindi ninyo ako iniwan.
“Nilatag natin ang ating vision para sa bayan ng Taguig at Pateros, mga prioridad, plataporma at programa – importante na naging malinaw ang pagpipiliaan at basehan ng mga desisyon ninyo. Narinig ko po kayo at pagpapakumbaba kong tinatanggap ang desisyon ng ating mga kababayan.
“Wala tayong pagsisisi sa desisyon nating tumakbo bilang indepenent – sa gitna ng mabigat na laban na puno ng fake news, paninira at black propaganda – na umandar sa bisa ng isang napaka lakas na makinarya – nanatili ang sentro ng diskurso natin ang paghahanap ng solusyon sa mga totoong problema ng Taguig at Pateros, yan po ang mahalaga.
“Sa mga sumama sa atin sa laban na ito, mga kaibigan na pamilya na ang turing ko – taas noo po sa ating pagkatalo. Minsan, ang pinakamahalagang laban ay ang pananatiling totoo sa sarili at sa taongbayan. Lumaban tayo dahil sa prinsipyo, nangampanya ng matapat, at nanatili ang dignidad. Salamat po dito.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Taguig at Pateros—maraming, maraming salamat po sa pagmamahal. We fought the good fight. Mahal ko po kayo.”
Dan Fernandez
Nabigo rin ang aktor at incumbent congressman na si Dan Fernandez sa kanyang pagtakbo bilang governor ng lalawigan ng Laguna.
Photo/s: Cabinet Files
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Mas nanaig ang kanyang katunggali sa puwesto—ang dating ABS-CBN reporter na si Sol Aragones.
Malugod ding tinanggap ni Dan ang pagkabigo nang mag-post siya sa Facebook nitong Lunes, May 12.
Aniya (published as is): “Magandang gabi, Sa lahat ng mga nagtiwala, sumuporta, at patuloy na naninindigan kasama ko, taos-puso akong nagpapasalamat.
“Hindi man natin nakamit ang tagumpay sa eleksyon na ito, mananatiling buo ang aking paninindigan at pagmamahal para sa ating lalawigan.
“Hindi rito nagtatapos ang ating layunin. Patuloy ninyong maaasahan ang aking suporta para sa mga nagwagi at sa magwawagi pa para sa kapakanan ng buong Laguna.
“Sa anumang paraan na kaya ko, mananatili akong lingkod-bayan, hindi man sa puwesto, kundi sa puso, kilos, at paninindigan.
“Ipinapaabot ko rin ang aking pagbati kay Gov. Sol Aragones sa kanyang pagkakapanalo. Nawa’y maging matagumpay ang kanyang pamumuno at magsilbing daan tungo sa mas maunlad at mas pagkakaisang Laguna.
“Muli, maraming salamat, mga kababayan kong Lagunense.”
News
The Nation Was Shocked by the Lump on Luis Manzano’s Head — But When Doctors Revealed Their Final Diagnosis, His Family Collapsed in Tears. What They Discovered Left the Entire Room Frozen in Silence.
Relief for Fans: Luis Manzano Cleared of Cancer After Head Lump Detection Manila, Philippines — Popular Filipino television host…
The Moment Lyca Gairanod Was Crowned Champion — A Story of Hope, Perseverance, and Pure Talent
Lyca Gairanod: From Scavenger to Superstar – The Voice Kids’ First Champion Wins the Nation’s Heart The stage was bright,…
“Lyca Gairanod — the little girl who once lived in a rundown shack and helped her mother collect scrap to survive — broke down in tears as she was crowned The Voice Kids champion. Her emotional victory touched millions, a powerful story of resilience, hope, and rising from poverty.”
Lyca Gairanod’s triumphant ‘Voice Kids PH’ journey Already have Rappler+? Sign in to listen to groundbreaking journalism. At only 9 years old,…
Kris Aquino Breaks Down During Surprise Visit from Kim Chiu and Paulo Avelino—The Unexpected Guests Will Shock You!
Emotional Reunion: Kim Chiu, Paulo Avelino, Miles Ocampo, and Darla Sauler Visit Kris Aquino In a heartwarming display of friendship…
Willie Revillame Chokes Up on Live TV Revealing Kris Aquino’s Hidden Struggles — Her Quiet Exit, Final Plea, and the Last Words That Shattered the Nation’s
Willie Revillame’s Emotional Revelation: The Untold Story Behind Kris Aquino’s Silence and Secret Farewell In a recent live broadcast that…
“Maegan Aguilar’s shocking past accusations against her father have resurfaced – she claims this is why she was cut out of the late artist’s will. And has the late artist still not forgiven his daughter?
Maegan Aguilar’s Shocking Accusations Resurface After Being Left Out of Freddie Aguilar’s Will: Was the Rift Between Father and Daughter…
End of content
No more pages to load