Kylie Padilla, apektado ng pagkasunog ng isang ina at 3 anak

Kylie, nais maging advocacy ang pagtulong sa may postpartum depression.

kylie padilla postpartum depression

Kylie Padilla for mothers battling postpartum depression: “Nag-post na ako sa Facebook na i-push yung support for mothers na may postpartum. Depression is real… Kasi kasama niyo ako, andiyan din ako in your shoes before, and alam ko kung gaano kahirap.”
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Nakapanayam ng PEP Troika si Kylie Padilla nitong Huwebes, May 22, 2025, sa look test ng pelikulang gagawin niya sa Mavx Productions, ang The Lotto Winner, kung saan kasama niya si Albert Martinez.

Kaagad naming pinag-usapan ang post ni Kylie tungkol sa isyu ng postpartum depression na kanyang pinagdaanan noong iniluwal niya ang pangalawa nilang anak ni Aljur Abrenica.

Dalawa ang anak nina Kylie at Aljur, sina Alas at Axl.

Bumalik daw sa alaala niya ang tungkol dito nang nabasa niya ang balita tungkol sa isang ina na sinunog ang sarili at ang tatlo niyang anak sa loob ng kanilang bahay sa Sta. Maria, Bulacan.

Ang mga anak nito ay nasa edad na 6, 4, at 1.

Ayon sa mga ulat, posibleng postpartum depression ang nagbunsod sa 28-year-old mother upang gawin iyon.

Dagdag pa raw rito ang problema nila sa pagkain dahil wala kahit panggatas para sa isang-taong-gulang nitong anak.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

KYLIE PADILLA’S POST

Nag-post si Kylie sa kanyang social media account kaugnay rito dahil pinagdaanan din daw niya ang postpartum depression, dagdag pa ang pagkabinat nito.

Bahagi ng kanyang post: “I never thought I would ever get [past] that dark place that I was in. My support system then was also lacking. Mahirap i-explain sa mga hindi nakakaintindi ng ‘binat’. ANYWAY THIS POST IS NOT ABOUT ME.

“I had savings, I had the ability to support myself. But not all moms have this. So I am urging please push #PaidMaternityLeave and #postpartumdepressionawareness.

“Mothers deserve time to rest their bodies and minds after childbirth. They deserve to be able to take care of themselves as well as their children.”

CONTINUE READING BELOW ↓

Kylie Padilla naapektuhan ng trahedya ng isang ina at tatlong anak | PEP Exclusives

KYLIE PADILLA’S OWN EXPERIENCE

Sa panayam ng PEP Troika kay Kylie, ikinuwento nito ang matinding postpartum depression na naranasan niya noon.

Nabinat pa raw siya, at may problema pa siya noon sa kanyang spinal cord.

Nagkakaproblema na rin daw sila noon ni Aljur kaya nasabi niyang kulang pa siya ng support system.

Saad ni Kylie: “Meron din akong pinagdaanan noon na nagsabay pa. Kasi nanganak ako, 2019, December.

“Yung pa-pandemic na nun, nasa China nun, aning na ako nun, nagka-anxiety na ako.

“Nagkabinat pa ako. There was a complication and my spinal cord ano… injection.

“So, talagang I was really in a bad, dark place. Sumabay pa yung pandemic.

“And then, iniisip ko lang, yun yung mindset ko, ganun yung katawan ko.

“Tapos iisipin ko pa yung naranasan na, yung nanay, na baka walang mapakain sa mga anak ko, wala akong ano…” pagtukoy niya sa kaso ng nanay na taga-Bulacan.

Sinunog nito ang sarili at ang kanyang mga anak.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya: “Nag-breakdown ako talaga. Kasi, akala ko worst na yung sa akin, e.

“Hindi. Meron pa palang mas worst.

“So, hindi ko alam kung ano yung naramdaman ko, e. Nalungkot ako, nagalit ako.

“Nag-post na ako sa Facebook na i-push yung support for mothers na [may] postpartum. Depression is real.”

KYLIE’S NEW DRAMA SERIES AND MOVIE

Napangiti lang si Kylie sa aming pag-uusap nang kinumusta ko ang taping nila ni Gabby Concepcion sa bagong drama series sa GMA-7, ang My Father’s Wife.

Sobrang suwerte raw ni Kylie na nakatrabaho niya sa GMA-7 si Gabby.

Ngayon ay si Albert Martinez naman ang makakasama niya sa pelikulang gagawin niya.

Sina Gabby at Albert ang dalawa sa pinakasikat na matinee idols noong ’80s.

Sisimulan na nina Kylie at Albert ang shooting ng The Lotto Winner na kukunan sa Canberra, Australia.

Direktor nila sa pelikulang ito si RC delos Reyes.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

albert martinez kylie padilla the lotto winner

Albert Martinez and Kylie Padilla team up for the upcoming movie The Lotto Winner. 
Photo/s: Gorgy Rula

JERRY OLEA

Sabi pa ni Kylie Padilla, gusto niyang iparating sa lahat na dapat maging aware tayo sa postpartum depression na nararanasan ng mga ina.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sana ay maamyendahan daw ang batas tungkol sa extended paid maternity leave.

Saad niya: “Yun nga, yung leave na paid maternity leave. Kasi, yun lang, yung empathy ko for mothers who need support, tumodo na siya.

“Kasi nakaka-relate ako, e. I know what it is like. Saka yung postpartum depression and yung binat.

“May mga hindi kasi naniniwala sa binat. You won’t know until you experienced it.

“So, talagang naapektuhan ako dun. So, nakapag-post ako.

“Parang ang goal ko is… parang to push for longer maternity leave, and yung awareness lang with postpartum depression.

“Kasi naranasan ko, e, and I know what it is like. Yun lang.”

May existing nang batas tungkol sa paid maternity leave.

Ito ay ang Expanded Maternity Leave Law o Republic Act No. 11210, na nagsasabing entitled ang mga babaeng empleyado sa “105 days of fully paid maternity leave.”

May option ding i-extend ito ng 30 days na unpaid leave.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ang solo mothers ay makatatanggap din ng karagdagang 15 days na paid leave, habang ang mga nagka-miscarriage naman ay may 60 days na paid leave.

Samantala, pakiramdam daw ni Kylie nung panahong yun ay nag-iisa lang siya, bagamat may mga yaya namang tumutulong sa kanya.

Pero sa dasal lang daw siya kumakapit.

“Kaya nga… yun nga, dasal. Saka magpapalakas ako para sa mga anak ko para maalagaan ko sila.

“Yun yung everyday mantra ko nung time na yun.

“Kasi ano naman ako, e, may mga yaya naman ako na mag-aalaga, like, they helped me with my kids.

“Hindi ako totally alone! That’s why na-realize ko na super blessed ko pa rin. Ganun yung ano…

“Sabi ko, my God! Parang nagkaroon ako ng realization na huwag masyadong tingnan niyo sa negative part of your life.

“Appreciate na lang natin kung anong meron, and then grateful na lang tayo, kasi blessed pa rin ako,” dagdag ni Kylie.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Gusto raw ni Kylie Padilla na maging advocacy ang extended paid maternity leave para makatulong sa mga nanay na dumadaan sa postpartum depression.

Kinausap na ba niya ang amang si Senator Robin Padilla para maisabatas ang pagpapahaba ng paid maternity leave?

“Kasi wala siya dito ulit, e. Very busy si Papa,” sabi ni Kylie.

Kasalukuyang nasa The Hague, Netherlands, si Robin upang suportahan si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nasa kustodiya ng International Criminal Court dala ng akusasyong “crimes against humanity.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy ni Kylie: “But I’m thinking it could be one of my advocacies in the future kasi.

“And I just wanted to use my voice by posting on Facebook for awareness, para mabawasan yung mga ibang nanay na walang… you know, na walang help.”

Ito ang mensahe ni Kylie sa mga nanay na dumaraan sa ganitong sitwasyon: “I know it’s very hard, pero labanan natin para sa sarili natin muna. For you first, and then your children.

“Kasi kasama niyo ako, andiyan din ako in your shoes before, and alam ko kung gaano kahirap.

“Pero kaya natin ito. Magdasal lang po tayo, and malalagpasan natin yan.

“Siyempre, ano pa yung hormones niyan, and your body needs to heal. Pero malalagpasan mo yan. I promise.

“Kasi nakita niyo naman ako. I’m here, nalagpasan ko. Kaya niyo rin po.”