Angelika dela Cruz receives death threat and three bullets
Angelika dela Cruz receives death threat three days before the election: “Siniraan, kinasuhan, ngayon naman tinatakot, anong kasunod?!! Grabe na pati family ko dinadamay ninyo.”
PHOTO/S: Courtesy: Facebook
Nakatanggap ng banta sa kanyang buhay ang aktres at Barangay Longos, Malabon barangay captain na si Angelika dela Cruz.
Sa pamamagitan ng Facebook ngayong Biyernes, May 9, 2025, ibinahagi ni Angelika ang natanggap na sulat na naglalaman ng banta sa buhay niya at kanyang pamilya.
Pinapaatras si Angelika sa kanyang laban sa pagka-bise-alkalde sa lungsod ng Malabon.
Kung hindi raw ay baka kung ano ang sapitin nito pati ng kanyang pamilya.
May nakalakip din itong tatlong bala ng baril.
Buong nakasulat dito: “Angelika Dela Cruz
“MAPAGPALANG ARAW SAYO!!!
“UMATRAS KANA SA LABAN NG VICE MAYOR NG MALABON!!!
“KUNG HINDI ALAM MO ANG KAHIHINATNAN MO AT NG PAMILYA MO!!!”
Photo/s: Courtesy: Facebook
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Ibinahagi ito ni Angelika sa kanyang Facebook.
Nakalagay sa caption: “siniraan, kinasuhan ngayon naman tinatakot anong kasunod?!! Grabe na pati family ko dinadamay ninyo”
Hindi ito ang unang banta sa buhay na natanggap ni Angelika.
Sa Facebook noong June 7, 2022, ibinahagi ni Angelika sa kanyang Facebook account ang litrato ng apat na bala ng baril.
CONTINUE READING BELOW ↓
“SINO ‘TO?!” Ashley Ortega Struggles to Identify Her PBB Housemates! | PEP Pop Quiz
Angelika dela Cruz FACES PLUNDER and other COMPLAINTS
Kasong plunder o pandarambong ng halagang hindi bababa sa PHP70 million mula sa kaban ng Barangay Longos ang isinampang kaso kay Angelika.
Hiwalay pa rito ang 62 counts of malversation of public funds o paglabag sa Article 217 of the Revised Penal Code; 18 counts of failure to render accounts o paglabag sa Article 218 ng Revised Penal Code; illegal use of public funds o paglabag sa Article 220 ng Revised Penal Code; at 64 counts ng anti-graft and corrupt practices act o paglabag sa R.A.3019 dahil sa mga hindi maipaliwanang na mga paggastos, nawawalang kagamitan, at pondo ng barangay.
Ilang reklamong administratibo rin ang inihinain kay Angelika.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Kaugnay umano ito ng pagpapabaya niya sa tungkulin bilang kapitana ng Barangay Longos, madalas na pagliban nang walang official leave, at hindi awtorisadong pagpasa ng kanyang mga tungkulin sa kapatid—ang barangay kagawad na si Erick dela Cruz.
Maliban kay Angelika, dawit din sa kaso ang kanyang barangay treasurer at kapatid na si Erick.
Ang nagsilbing barangay treasurer ni Angelika ay sinampahan ng reklamong failure to render accounts o paglabag sa Article 218 ng Revised Penal Code at illegal use of public.
Habang ang kapatid naman niyang kagawad na si Erick ay sinampahan ng reklamong grave misconduct.
Ipinagkibit-balikat lamang ito ni Angelika sa kanyang Facebook post noong April 28.
Ayon kay Angelika, bagamat alam niyang parte na ng sistema sa pulitika ang siraan at pagkakaso ay hindi pa rin nawawala ang pangamba niya sa kanyang buhay at kaligtasan.
Mababasa sa kanyang post (published as is): “Grabe tlg ang politics pag hindi nila nakuha ang gusto nila sa siraan next step kakasuhan ka naman nila
News
“Los Cuatro Niños Traviesos y la Niña Bajo la Lluvia” — Nadie imaginó que algo tan pequeño pudiera doler tanto.
Cuatro diablillos y una niña bajo la lluvia(Continuación) Bin se quedó parado, con el cuerpo rígido y la garganta seca….
“EL VIEJO AMARGADO QUE SUBIÓ GRITANDO AL CAMIÓN… Y CINCO MINUTOS DESPUÉS, HIZO LLORAR A TODOS”
Bajo el sol abrasador de una tarde de verano, el camión número 39 parecía un horno sobre ruedas: lleno hasta…
💥 “¡Ese chamaco ratero otra vez!” — Lo atraparon robando $100,000 pesos y todos querían entregarlo a la policía… pero al saber la razón, nadie pudo decir una palabra.
💥 “¡Ese chamaco ratero otra vez!” – Lo pillaron robando 100,000 pesos y todos querían entregarlo a la policía… pero…
🔥 “El Silencio Quebrado de Medianoche: Cuando los Gritos de los Adultos Rompen el Mundo de un Niño”
Hay noches que nunca se olvidan. No por su calma, ni por su silencio, sino por el estruendo que estremece…
🔥 “Siguen durmiendo juntos… pero ya no lo están!”
—— Una imagen común revela una tragedia silenciosa que está desgastando miles de matrimonios en la era digital. La foto…
[“Lo logré… pero papá no pudo presenciar mi día más importante.”] — Una verdad que ha estremecido a millones y ha hecho caer lágrimas.
“Quiero dedicarle este momento a usted, papá…” ❤️😥❤️Esas palabras llegan directo al corazón de cualquier persona que las lee. Detrás…
End of content
No more pages to load