Julia Barretto-Gerald Anderson breakup rumor, fake news
Julia Barretto still follows boyfriend Gerald Anderson on Instagram, dismissing rumors that the two stars have broken up.
PHOTO/S: @juliabarretto on Instagram
Tila nalagay sa alanganin ang kredibilidad ng isang online entertainment site—hindi ang PEP—na naglabas ng balita tungkol sa diumano’y nagwakas na relasyon nina Julia Barretto at Gerald Anderson dahil sa pagbura ng aktres sa social media accounts nito ng mga larawan nila ng aktor.
Kung sinuyod mabuti ng nagpakalat ng isyu ang Instagram account ni Julia, makikita nitong hindi burado ang mga litrato nila ni Gerald na magkasama.
At hanggang ngayon, sinusubaybayan pa rin ng dalawa ang social media accounts ng isa’t isa.
Photo/s: @juliabarretto on Instagram Gerald anderson and Julia Barretto living the life
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Nang hingin ng isang nagmamalasakit kay Julia ng paliwanag ang namamahala ng entertainment site sa source ng intrigang inilabas nito, kalakip ang mga screenshot ng mga larawan nina Julia at Gerald, ang sagot daw nito’y ginamit nilang batayan ang balitang inilabas ng isang tabloid.
Naiwasan sana ang isyu kung imbes na pinaniwalaan agad ang balitang inilabas ng isang tabloid, nakipag-ugnayan muna ang naglabas ng balita sa namamahala sa career ni Julia.
E, di sana nalaman nila ang buong kuwento at nakaiwas mabiktima ng fake news.
JULIA BARRETTO AS EAT BULAGA! REGULAR CO-HOST?
On a lighter note, may panawagan sa producers ng Eat Bulaga! na gawin nang regular co-host si Julia sa longest-running noontime variety program ng bansa na ngayo’y napapanood sa TV5.
Nag-umpisa ang pagi-guest co-host ni Julia sa Eat Bulaga! nang magtanghal siya sa Cavite State University sa Indang, Cavite, noong Mayo 2, 2025.
Nagustuhan ng mga manonood ang partisipasyon niya rito.
Nang sumunod na linggo, muling napanood si Julia sa Eat Bulaga!, hanggang regular na siyang napapanood tuwing Biyernes at Sabado.
Julia Barretto with Eat Bulaga! co-hosts (from left) Ian Red, Allan K, and Jose Manalo.
Photo/s: Eat Bulaga TVJ YouTube
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Sa tunay na buhay, introvert at mahiyain si Julia, at nahalata ito sa mga unang araw niya sa Eat Bulaga!.
Pero habang tumatagal, nagiging komportable na siya at nakikipagsabayan nang makipagbiruan sa mga co-host ng programa.
Ang impromptung pagkanta niya sa isang hit song ni Adele sa “The Clones,” ang popular segment ng Eat Bulaga!, ang isang pruwebang dahan-dahan nang nasasanay si Julia bilang co-host.
Napansin ito ng maraming loyal viewers ng noontime show kaya may panawagan sila sa management na gawin nang mainstay ang 28-year-old actress.
Pero mangyayari lamang ang kahilingan ng mga sumusuporta kay Julia kung hindi magkakaroon ng conflict sa oras ng Eat Bulaga! ang ibang showbiz commitments ng aktres.
Sa ngayon, tuwing Biyernes at Sabado lamang makikita sa noontime show ang aktres.
News
“Los Cuatro Niños Traviesos y la Niña Bajo la Lluvia” — Nadie imaginó que algo tan pequeño pudiera doler tanto.
Cuatro diablillos y una niña bajo la lluvia(Continuación) Bin se quedó parado, con el cuerpo rígido y la garganta seca….
“EL VIEJO AMARGADO QUE SUBIÓ GRITANDO AL CAMIÓN… Y CINCO MINUTOS DESPUÉS, HIZO LLORAR A TODOS”
Bajo el sol abrasador de una tarde de verano, el camión número 39 parecía un horno sobre ruedas: lleno hasta…
💥 “¡Ese chamaco ratero otra vez!” — Lo atraparon robando $100,000 pesos y todos querían entregarlo a la policía… pero al saber la razón, nadie pudo decir una palabra.
💥 “¡Ese chamaco ratero otra vez!” – Lo pillaron robando 100,000 pesos y todos querían entregarlo a la policía… pero…
🔥 “El Silencio Quebrado de Medianoche: Cuando los Gritos de los Adultos Rompen el Mundo de un Niño”
Hay noches que nunca se olvidan. No por su calma, ni por su silencio, sino por el estruendo que estremece…
🔥 “Siguen durmiendo juntos… pero ya no lo están!”
—— Una imagen común revela una tragedia silenciosa que está desgastando miles de matrimonios en la era digital. La foto…
[“Lo logré… pero papá no pudo presenciar mi día más importante.”] — Una verdad que ha estremecido a millones y ha hecho caer lágrimas.
“Quiero dedicarle este momento a usted, papá…” ❤️😥❤️Esas palabras llegan directo al corazón de cualquier persona que las lee. Detrás…
End of content
No more pages to load