Man never gives up on comatose wife; sings to her every day

Photos of Deng taking care of Ye

Pinakasalan ni Deng si Ye kahit alam niyang may cancer ito. Hindi siya umaalis sa tabi nito nang ma-comatose ang misis, at lagi pang kinakantahan at sinasayawan. (Photos courtesy of Douyin) 

Nakilala ni Deng Youcai si Ye Meidi sa wedding ng isa niyang kaibigan noong 2016.

Binata pa siya noon at na-love at first sight kay Ye, na single din during that time.

Sa ulat ng South China Morning Post noong May 25, 2025, napag-alamang naghiwalay ang parents ni Deng noong bata pa siya.

Nagkaroon ang mga ito ng kanya-kanyang bagong pamilya.

Tumigil naman si Deng sa pag-aaral.

Naging lagalag at, kalaunan, nagkaroon ng trabaho sa Beijing.

Photo of Ye

Ang larawan ni Ye, ang babaeng pinakamamahal ni Deng. Photo: Douyin

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nang magkakilala ang dalawa, nakahinto rin sa pag-aaral sa kolehiyo si Ye.

Na-diagnose kasi ang dalaga na may glioma, isang uri ng brain tumor.

MAN PROMISES TO LOVE HIS WOMAN in tHE BEST WAYS POSSIBLE

Naakit si Deng sa personalidad ni Ye.

Niligawan niya ang dalaga kahit alam niyang may karamdaman ito.

Noong una ay binasted siya ni Ye.

Pero kalaunan ay napasagot din niya ito nang matiyak ng dalagang handa siyang samahan itong makipaglaban sa taglay nitong sakit.

Nagpakasal sila noong 2019.

Ang wedding promise ni Deng kay Ye: “I will treat you in the best ways in the world.”

Hindi siya sumira sa kanyang pangako.

WOMAN FELL INTO A COMA

Thirty years old na ngayon si Deng.

Matapos silang ikasal ni Ye, nanirahan sila sa Guangxi province sa southern part ng China.

CONTINUE READING BELOW ↓

Kira Balinger reacts to “BINASTOS” issue involving Faith Da Silva | PEP Interviews

Noong 2021, isinilang ang kanilang panganay na pinangalanan nilang Hanhan.

Ye looking at her daughter

Si Ye habang pinapanood si Hanhan, ang anak nila ni Deng. Photo: Douyin

Sa kasamaang palad, noong 2022, lumala ang glioma ni Ye.

Na-comatose ang babae.

Bago tuluyang nawalan ng diwa, hiniling ni Ye kay Deng na hayaan na lang itong mamatay dahil wala naman silang pagkukunan ng pampaospital.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

MAN NEVER LOSES HOPE WIFE WILL RECOVER

Hindi pumayag si Deng sa kagustuhan ni Ye.

At kahit ang misis ay nanatiling nasa vegetative state, o mistulang gulay na lang, matapos ng dalawang operasyon, hindi rin sumang-ayon si Deng sa mga doktor na tumitingin kay Ye na nagsabing isuko na ang laban.

Iniuwi niya ang misis sa kanilang bahay.

Bedridden Ye being comforted by Deng and daughter

Hindi nawalan ng pag-asa si Deng na mabubuhay pa ang misis na si Ye. Photo: Douyin

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nagdatingan ang kanilang mga kamag-anak para magpaalam na kay Ye.

Maging ang kanilang anak na si Hanhan ay hinalikan na ang ina sa pisngi bilang pamamaalam.

AN UNEXPECTED MIRACLE HAPPENS

Ibinahagi ni Deng sa social media ang video ng pamamaalam kay Ye ng kanilang anak at mga kamag-anak.

Naging viral iyon.

Hinikayat siya ng netizens na ipagpatuloy ang pagpapagamot kay Ye.

Marami sa mga ito ang nagbigay pa ng donasyon.

Dinalang muli ni Deng si Ye sa ospital.

Lagi niya itong kinakantahan at sinasayawan habang nakaratay at walang malay.

Makalipas ang tatlong buwan, isang himala ang naganap!

Nagkaroon ito ng malay-tao.

Makalipas pa ng dalawang buwan, nakapagsalita ito.

Ang unang mga katagang namutawi sa mga labi ni Ye para kay Deng ay “Thank you.”

Nang gumanda-ganda pang lalo ang kondisyon ni Ye, nag-resign na sa trabaho si Deng.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Iniuwi na rin niya ang misis sa kanilang bahay.

Siya mismo ang nag-alaga rito at sa kanilang anak.

Tinutulungan niya itong maglakad araw-araw.

Patuloy niyang kinakantahan at sinasayawan para patawanin.

Unti-unti, nagagawa na ni Ye ang maglakad mag-isa.

Nakapagpundar din ang mag-asawa ng street stall, na si Ye ang nagbabantay.

NETIZENS PRAISE DENG FOR UNCONDITIONAL LOVE FOR YE

Sa kabuuan, para sa pagpapagamot ni Ye ay nakagastos si Deng ng two million yuan (PHP15,364,987.48).

Nakaka-survive ang couple sa pang-araw-araw na gastusin mula sa kanilang revenue sa live streaming ng inia-upload na videos sa social media tungkol sa kanilang journey.

Mayroon silang halos two million followers.

Nang maging viral sa social media ng China ang kanilang love story, nakuha rin nila ang atensyon ng malalaking media companies.

Sa isang video ay ibinahagi ni Deng ang kanyang determinasyon na huwag mawala sa kanyang buhay si Ye.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“I do not want her to leave us. We are still so young.

“Even if she cannot look after herself, she still has me and our daughter.”

Ang mga followers ng mag-asawa ay humanga rin sa tibay ng pagmamahal ni Deng kay Ye.

Karamihan sa mga ito ay nagsabing maraming malulusog na couples—pero hindi masasaya sa kanilang relasyon.

Nagkakaisang komento ng mga ito, “These two—despite so many difficulties—have made their lives full of love and hope.”