Carla Abellana mulls filing libel complaint against online site

Carla Abellana strongly denies reconciliation with ex-husband Tom Rodriguez.

Carla Abellana threatens to file libel complaint against online site

Carla Abellana threatens to file libel complaint against online site for report about her and ex-husband Tom Rodriguez’s possible reconciliation: “Eh kung kasuhan ko nalang kayo at yang ‘source’ ninyo ng libel?”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Hindi nagustuhan ni Carla Abellana ang ulat ng isang online site tungkol sa kanila ng ex-husband na si Tom Rodriguez.

Nakasaad sa ulat na malapit nang magkaayos ang estranged couple, ayon sa kanilang “source.”

Nakasaad din ditong lumambot na ang puso ni Carla kay Tom ilang taon matapos nilang maghiwalay noong January 2022.

May mga lumabas pa raw na balitang ilang buwan pagkatapos nilang naghiwalay, tahimik daw na bumalik sa Pilipinas si Tom at nakipag-ayos kay Carla.

Nag-usap daw ang dalawa, pero hindi umano nagmamadali si Carla sa posibilidad na magkabalikan sila.

Doon na raw napagtanto ng ama ni Carla na si Rey “PJ” Abellana ang pagkakaroon ng “emotional growth” ng anak.

Dito na raw nagdesisyon si Rey na huwag nang makialam at suportahan na lamang ang anak.

Nakasaad sa buong ulat: “WHAT CHANGED? According to insiders close to the Abellana family, PJ’s heart softened after seeing how much Carla still cared for Tom, even after everything.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“It is said that despite the pain, she never spoke ill of him and still believed he had a good heart — just lost along the way.

“Recently, reports surfaced that Tom has returned to the Philippines quietly and has reached out to Carla.

“What began as cautious conversations reportedly turned into healing and forgiveness, paving the way for the possibility of reconciliation.

“‘They’ve been talking again. Carla’s not rushing, but she’s not closing the door either,’ a source claimed.

“That’s when her father, seeing his daughter’s emotional growth, decided to step back and offer support instead of resistance.”

CARLA ABELLANA REACTS

Sa kanyang Instagram Story nitong Martes ng gabi, May 27, 2025, ibinahagi ni Carla ang screenshot ng bahagi ng ulat.

Malinaw sa kanyang caption na walang katotohan ang nakasaad dito.

Pagtataray ni Carla sa caption ng kanyang post (published as is): “Eh kung kasuhan ko nalang kayo at yang ‘source’ ninyo ng libel?”

CONTINUE READING BELOW ↓

Janice de Belen, SUMAKSES KAY SONG JOONG KI! | PEP Hot Story

Carla Abellana's Instagram Story about ex-husband Tom Rodriguez

COURT VALIDATES CARLA ABELLANA’S DIVORCE FROM TOM

Noong June 2024, nagsalita si Carla kaugnay ng divorce nila ni Tom.

Sa Fast Talk With Boy Abunda, naitanong sa kanya kung napatawad na ba niya si Tom.

Sagot ng aktres, “Definitely po, yes definitely po.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Kinumpirma rin ni Carla na kinilala na ng local court ang divorce nila ni Tom batay sa foreign divorce decree.

Aniya, “We are divorced. Recognized na po yan ng court, local court po natin dito.”

Higit pitong taon naging magkasintahan sina Carla at Tom bago nagpakasal noong October 23, 2021.

Ngunit makalipas lamang ang tatlong buwan, noong January 2022, napabalita ang kanilang hiwalayan.

Sa ngayon, wala pang napapabalitang bagong karelasyon si Carla.

Si Tom naman ay inaming mayroon na siyang anak na lalaki sa kanyang non-showbiz partner.