Agaw-eksena ang candid moments nina Barbie Forteza, 27, at Jameson Blake, 27, sa Lights, Camera, Run! Takbo Para sa Pelikulang Pilipino na inorganisa ni Alden Richards.

Ang fun run ay pinamunuan ni Alden at ng kumpanya niyang Myriad Productions at ginanap sa Mall of Asia Concert Grounds, sa Pasay City, Linggo ng umaga, May 11, 2025.

Beneficiaries nito ang maliliit na workers ng entertainment industry.

Maraming mga lumahok na Kapamilya at Kapuso celebrities, pero ang tambalan nina Barbie at Jameson ang mas pinag-ukulan ng pansin ng nakararaming netizens.

Co-stars sila sa upcoming Netflix movie na Kontrabida Academy.

Sa Instagram Story ni Barbie, ipinakita niya ang selfie nila ni Jameson matapos ang fun run.

“Soooo proud of you @jmsnblake first run 16K agad! Super appreciate you for running with me,” caption ng Kapuso actress.

Barbie Forteza and Jameson Blake run together at fun run organized by Alden Richards.

Sabay na tumakbo sina Barbie at Jameson sa fun run.

BARBIE FORTEZA, JAMESON BLAKE CANDID MOMENTS

Bukod dito, may mga kumalat din sa social media na videos nilang dalawa.

Isa rito ay iyong nagwa-warm up si Barbie at nasa isang tabi si Jameson na naghihintay sa dalaga.

Pagkatapos ay inabot ni Jameson kay Barbie ang pinahawak nitong mga gamit.

Nagpasalamat naman si Barbie sabay umakbay sila sa isa’t isa habang naglalakad.

Barbie Forteza and Jameson Blake hug each other as she thanks him for carrying her stuff while she did her warm-up.

Sandaling umakbay sa isa’t isa sina Barbie at Jameson matapos hawakan ni Jameson ang mga gamit ng Kapuso actress. 
Photo/s: @shykai09 TikTok

May isa pang eksena na si Jameson naman ang kumuha ng selfie nila ni Barbie. Halatang masaya sila kahit na maagang nagising para sa event.

Isa pang kuha nila ay iyong todo-tsika si Barbie kay Jameson.

Barbie Forteza talks animatedly with Jameson Blake seen on the sidelines of fun run organized by Alden Richards.

Animated si Barbie habang nakikipagtsikahan kay Jameson. 
Photo/s: Web

Kinakiligan naman ito ng netizens na nagsabing “bagay” sina Barbie at Jameson.

Mukhang “may chemistry” raw ang dalawa.

Natuwa rin ang iba dahil sa anila’y “effort” ni Jameson na samahan si Barbie sa fun run, at ang pag-alalay nito sa dalaga.

May mga humirit pang pumasok lang daw si David Licauco sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab bilang house guest ay iba na raw ang itinatambal sa aktres.

Si David ang kilalang ka-loveteam ni Barbie sa mga teleseryeng Maria Clara at IbarraMaging Sino Ka Man, at Pulang Araw.

Sa bagong teleserye ni Barbie, ang Beauty Empire, hindi niya kasama si David. Si Sam Concepcion ang isa sa cast members doon.

Inaasahang muling magsasama sina David at Barbie sa ibang proyekto sa GMA-7.