Ian de Leon, nagpasalamat sa mga nagpapatuloy ng legacy ni Nora Aunor
Ian de Leon, tikom ang bibig sa mga naiwang ari-arian ng inang si Nora Aunor.
Ian de Leon on tribute film Faney for late mother Nora Aunor: “Para sa amin po siyempre, kahit papaano… I mean, yung mga taong nasa paligid mo at yung nag-e-effort na matuloy yung legacy, naha-humble po kami dahil alam mo yung buong puso ang effort na ginagawa nila para maipagpatuloy lang yung legacy ni Mommy.”
PHOTO/S: Jerry Olea
GORGY RULA
Nagpasalamat si Ian de Leon kay Direk Adolf Alix Jr. dahil natapos nito ang pelikulang Faney bilang tribute sa namayapa niyang inang si Nora Aunor.
Sa tulong ng Frontrow International, Intele Builders, Noble Wolf, at AQ Films ay nabuo ang Faney, na nag-special screening sa mismong 72nd birthday ng pumanaw na aktres noong Miyerkules, Mayo 21, 2025.
Ginanap ito sa Cinemas 11 at 15 ng Gateway Mall sa Cubao, Quezon City.
Saad ni Ian: “Bilib ako na si Direk Adolf ang naka-pull off nito, and kahit papaano, you know, na ginawa namin ang makakaya namin within our powers.
“And of course, siyempre ang inspiration rin po namin dito is our mom. Thank God na na-release ito on her birthday.”
CELEBRATIONS OF NORA AUNOR’S BIRTHDAY
Bukod sa special screening ng Faney, may iba pang selebrasyong ginawa bilang pagbibigay-pugay kay Nora.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Ipinagpasalamat ito ni Ian.
Aniya: “Para sa amin po siyempre, kahit papaano…
“I mean, yung mga taong nasa paligid mo at yung nag-e-effort na matuloy yung legacy, naha-humble po kami dahil alam mo yung buong puso ang effort na ginagawa nila para maipagpatuloy lang yung legacy ni Mommy.
“And siyempre, on my part, yung part po ng family namin, sobrang nakaka-proud, sobrang ramdam po namin yung suporta at yung pagmamahal nung mga tao.
“And masarap sa pakiramdam bilang anak is yung hindi pa rin siya talaga nakakalimutan ng mga tao.”
JERRY OLEA
Aware si Ian de Leon at ang mga kapatid nitong halos araw-araw ay dumadalaw ang Noranians sa puntod ng kanilang ina sa Libingan ng mga Bayani.
Sabi ng aktor: “Hindi naman po mawawala yun, e.
“Masaya naman po na kahit papaano may iba pang fans from different countries, different parts of our country, sa ibang lugar ng mundo na dumadaan para magbigay ng respeto.”
CONTINUE READING BELOW ↓
Ian de Leon, nagsalita tungkol sa usaping MANA mula sa inang si Nora Aunor | PEP Interview
Parang bonding na rin ba nilang magkakapatid ang pagdalaw sa puntod ng kanilang ina?
Ayon kay Ian, kahit nung nabubuhay pa ang kanilang ina ay talagang nagkakasama raw sila at nagkakaroon ng panahong mag-bonding.
“Yung bonding ng mga anak namin, mga apo niya, every time na pumunta kami sa bahay niya, sobrang saya nila.
“Hindi natin mapapalitan ng kahit na anong bagay sa mundo, yung kasiyahan nila na kasama si Mommy.
“Iyon yung parte sa mga personal na buhay namin na walang nakakaalam masyado,” sabi pa ni Ian.
IAN ON THEIR FAMILY’S CLOSENESS
May mga isyu man daw sila noon, pero walang nababago sa magandang pagtitinginan nilang magkakapatid.
“Kumbaga, we cannot please everyone… we cannot convince everyone na ang buhay namin hindi madali.
“Hindi madali growing up. Especially with Mom, hindi ano ito…
“Pero ang maganda pa dito, kasi sa lahat po ng mga challenges na hinarap po namin, habang buhay pa yung mommy namin, is we never gave up emotionally.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“We learned how to control our emotions and learned how to keep at peace in God’s name, in Jesus’ name.
“Kasi kung hindi naman dahil sa Panginoon natin, hindi rin tayo nabigyan ng discernment, hindi tayo nabigyan ng peace, hindi tayo nabigyan ng wisdom para iharap lahat ng mga pagsubok, na hinarap namin sa buhay namin hanggang ngayon,” saad ni Ian.
NOEL FERRER
Doon din sa special screening ng Faney ay sinubukang itanong kay Ian ang tungkol sa manang naiwan ng kanilang ina.
Kung anu-anong kuwento ang naglalabasan, may mga kumakalat na isyu tungkol sa properties na naiwan ni Ate Guy. Naayos na ba ito?
Matipid na sagot ni Ian: “It remains confidential. Siyempre yung mga inaayos rin namin, yung sa personal na mga bagay.
“Beyond that, it’s confidential. I hope people will respect that.”
Kasama ni Ian na dumalo sa screening ng Faney ang kapatid na si Kenneth, at ang kani-kanyang pamilya.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Ian and Kenneth de Leon attend the special screening of tribute film Faney with their respective families.
Photo/s: Gorgy Rula
Noong Mayo 18, Linggo, ay present naman sina Lotlot, Matet, at Kenneth de Leon sa screening ng ‘Merika sa Metropolitan Theater sa Maynila.
Siblings Lotlot de Leon (holding the framed poster), Matet de Leon (second from right), and Kiko de Leon (second from left) attend the special screening of the restored version of ‘Merika at Metropolitan Theater.
Photo/s: FDCP Facebook
News
“Los Cuatro Niños Traviesos y la Niña Bajo la Lluvia” — Nadie imaginó que algo tan pequeño pudiera doler tanto.
Cuatro diablillos y una niña bajo la lluvia(Continuación) Bin se quedó parado, con el cuerpo rígido y la garganta seca….
“EL VIEJO AMARGADO QUE SUBIÓ GRITANDO AL CAMIÓN… Y CINCO MINUTOS DESPUÉS, HIZO LLORAR A TODOS”
Bajo el sol abrasador de una tarde de verano, el camión número 39 parecía un horno sobre ruedas: lleno hasta…
💥 “¡Ese chamaco ratero otra vez!” — Lo atraparon robando $100,000 pesos y todos querían entregarlo a la policía… pero al saber la razón, nadie pudo decir una palabra.
💥 “¡Ese chamaco ratero otra vez!” – Lo pillaron robando 100,000 pesos y todos querían entregarlo a la policía… pero…
🔥 “El Silencio Quebrado de Medianoche: Cuando los Gritos de los Adultos Rompen el Mundo de un Niño”
Hay noches que nunca se olvidan. No por su calma, ni por su silencio, sino por el estruendo que estremece…
🔥 “Siguen durmiendo juntos… pero ya no lo están!”
—— Una imagen común revela una tragedia silenciosa que está desgastando miles de matrimonios en la era digital. La foto…
[“Lo logré… pero papá no pudo presenciar mi día más importante.”] — Una verdad que ha estremecido a millones y ha hecho caer lágrimas.
“Quiero dedicarle este momento a usted, papá…” ❤️😥❤️Esas palabras llegan directo al corazón de cualquier persona que las lee. Detrás…
End of content
No more pages to load